Artist: Gloc 9 Album: Talumpati (2011) Title: Salbahe
Lyrics SalbaheLagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo Huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Mga kapit-bahay ko si Kadyo, ugali niya'y tabingi medyo Sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho
Bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si Beto Na wala nang ginawa kundi kumayod para ang maysakit kumpleto
Di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo Ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo
Kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos Isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos
Kelan ka pa magbabago, eh pano ? Kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo
Alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay wag kang makialam
At ang lahat ng mga nangyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam
Pero pano ba yan, palaging tandaan Ito ay kanta ko hindi ba?
Kaya wala ka nang magagawa, narito na ang Tanya Markova
Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Itong guro ko na masungit, pangalan'y Ginang Buenaofra Parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang kobra
Pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta Di na nga matapos sa pagsusulit , wala pang makuha na suporta
Pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok Kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni Ronnie Magsano
Ang pabaon lagi ay burong , dapat mataas ang marka sa bunot Buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot
Mawalang galang na po Ma'am, di po ba kayo makaramdam Sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y parang kagat lang ng langgam?
Alam mo ba ganito ? Sabihin sa akin ay wag kang makialam. At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam.
Pero anumang balakid 'yan Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova.
Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali
Makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento Malamang ay yan ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo
Pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si Onse Kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit'saang poste At kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse Palakad-lakad sa Mabalakad, nilalapitan kahit na sinong proste Upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si Remedios Pero ang totoo po niyan , para di kumalam ang kaniyang tiyan Sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan ! E' e' enyelesef .. pwede ba tigilan mo na nga yang rugby Hindi ba tama naman ako sabi nila, tatay mo sakin exactly
Pero alam ko kung anong pweden mong sabihin sa akin Ay wag kang makialam. At ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam.
Pero anumang balakid 'yan Kaya wala ka nang magagawa narito na ang Tanya Markova.
Lagot ka sa nanay mo Palo ka na ng tatay mo Ba't ganyan ang ugali mo huli ka, wag kang tatakbo Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali Mga salbahe, hindi kasali Dun sa naghahanda kang itali |