Artist: Gloc 9 Album: Talumpati (2011) Title: Elmer
Lyrics Elmer[Gloc 9]
Ito ay Bayan ni Juan Hindi Bayan ni Run Dumating pa sa puntong ang braso ay may bayanihan Bago magkalimutan wag magsapilitan Walang papalitan Hindi ito Katatawanan
[Jaq Dionisio of Kiss Jane]
Wag kang maniniwala sa paligid mo (hindi lahat ay totoo) Mga naririnig at nakikita mo (isa-isang isipin to) Piliin mo ang iniidolo (anong ginagawa't binibigkas) Dahil pagusad ay hindi ganun kadulas (kung ika'y makata sa pinas)
[Gloc 9]
Kamusta ka na idol Ako nga pala si Elmer Ikaw ang aking idol And idol ko na rapper Mula nang marinig ko ang kanta mong simpleng tao Ako ay nabaliw nung nilabas pa yung lando May bago ka bang album? Penge naman ng kopya Meron ako nung luma Ang kaso nga lang pirata Sumusulat din ako Marunong din akong mag rap Gusto ko ipadinig ko sayo Wag kang kukurap
Di lang ikaw ang idol ko Pati rin yung stick figgaz Bihira lang kasi sa Pilipinas ang matikas Mabilis kang magsalita Pero gangsta ka ba? Meron ka na bang baril? Nakulong ka na ba? Ako rin hindi pa Pero bukas baka sakali May gang doon sa amin Susubukan kong sumali Basta tandaan mo lang Ang pangalan ko ay Elmer Ikaw ang aking idol Idol ko na rapper
[Jaq Dionisio of Kiss Jane]
Wag kang maniniwala sa paligid mo (hindi lahat ay totoo) Mga naririnig at nakikita mo (isa-isang isipin to) Piliin mo ang iniidolo (anong ginagawa't binibigkas) Dahil pagusad ay hindi ganun kadulas (kung ika'y makata sa pinas)
[Gloc 9]
Gloc 9 anong balita? Narito ka rin pala? Buti napadaan ka? Mapapatatoo ka ba? Nakikita mo ba to ang mga bago kong tattoo? Mas maangas daw ang rapper pag marami kang tattoo At makabayan ang dating Isa pa cool ka! Magpalagay ako ng watawat May flag pole pa Kasi sasali ako sa pa-audition ng isang rapper At maging isang artist sa kanyang bagong record label Ilan ba ang natanggap Siguro mga singkwenta Binigyan kami ng ticket Para daw aming ibenta Medyo malabo ang sabi niya may album pa Eh bakit hindi nya malabas ang album nya? At baka naman busy lang kaya pare easy lang Kasi mga mayabang lang ang mahilig magbilang Pero sana maalala mo ang pangalan ko ay ELMER Ikaw ang aking idol Ang idol ko na rapper
[Jaq Dionisio of Kiss Jane]
Wag kang maniniwala sa paligid mo (hindi lahat ay totoo) Mga naririnig at nakikita mo (isa-isang isipin to) Piliin mo ang iniidolo (anong ginagawa't binibigkas) Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas (kung ika'y makata sa pinas)
Ito ay Bayan ni Juan Hindi Bayan ni Run Dumating pa sa puntong ang braso ay may bayanihan Bago magkalimutan wag magsapilitan Walang papalitan Hindi ito Katatawanan |