Artist: Gloc 9 Album: MKNM: Mga Kwento Ng Makata (2012) Title: Inday Feat. Cathy Go
Lyrics Inday Feat. Cathy Go[Cathy Go]
O Inday, o Inday, o Inday Inday ng buhay ko O Inday, o Inday Inday ng buhay ko
[Chorus: Cathy Go]
Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't Makuhang trabaho sa aming lugar Ano ba ang gagawin ko Bumiyahe na lang sa malayong lugar Lahat ay titiisin ko
Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya Gusto ko sanang maging doktor ng medisina Ngunit si Itay ay magsasaka nang Ang kapatid ko ay pito Mahainan lang ang hapagkainan Ang trabaho ko ay ito
[Gloc 9]
Pantalon na maong labhan mo ng pakamay Ang aking tira-tira'y takpan mo Pagtapos ka nang kumain ang sahig punasan mo Mula baba hanggang taas lampasuhin ang kanan ko Dapat walang alikabok, ni katiting sa mga muebles Ayokong inuulit ng higit sa isang beses Ang lahat ng utos ko walang tanong kang susunod Pagkausap mo ako kulang na lang ay lumuhod Bilisan mong maglakad sige buhatin mo lahat Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat Kahit gaano kadumi, ang mabaho'y amuyin Sa tuwing ako'y malalasing lahat ng gusto ko'y sundin Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama Oo ang isasagot sa gusto kong ipagawa O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita Makaka-alis ka na, di na kita kailangan Bago tumawag ng pulis dahil ako'y yong nikawan
[Chorus: Cathy Go]
Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't Makuhang trabaho sa aming lugar Ano ba ang gagawin ko Bumiyahe na lang sa malayong lugar Lahat ay titiisin ko
[Cathy Go] O Inday, o Inday, o Inday Inday ng buhay ko O Inday, o Inday O Inday ng buhay ko |