Artist: Gloc 9 Album: Matrikula (2009) Title: The Bobo Song
Lyrics The Bobo SongLahat ng nakikita ko Lahat ng nakikita ko Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Ang pinilakang tabing na sariling atin, natabunan Ng mga telenovela na pinilit lang ang dubbing Walang palabas at mas madalas magpatalastas Sa aming telebisyon bilang naisip ko ang aking Kinabukasan na parang inihip lang ng hangin Ako ay Pilipino, sa isip at damdamin Pero bakit ka mahilig sa chinito at chinita Dramathon sa hapon kasama si tito at si tita At si kuya at si ate at katulong na parating natutulog Pag malapit nang maluto ang sinaing Huminahon ka itay, baka ka mabulunan Sa laki ng binayad mo, wala 'kong natutunan Ni kapiranggot mula ng unang baitang Pumapasok lang ako para mangutang kay Ma'am Ng pambili ng kanin, chicken adobo Araw-araw ganito nakaka-bobo
Chorus: Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo Kahit naka pikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit naka pikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo Lahat ng nakikita ko nakaka-bobo Kahit naka pikit ako nakaka-bobo Lahat nang nakikita ko kahit naka pikit ako Nakaka, nakaka, nakaka-bobo
Pulitiko na nasa showbiz, posible na pala Ang dami nang artista sa pulitika, tanga Bobo, inutil, walang pinag-aralan Hangal, hunghang sino bang pinagmanahan Uto-uto, sunod-sunuran sa kung anong makita ng mata Upang mapansin ka ng madla Para masabi lang na in sa mga pormang petmalu In da loop sa chika chuvanes ke churva eklavu Mga chismis na nahuli na nang isang dekada May pelikula ngayon kaya sila'y mag syota Da who itong istarlet na sa banyo ay nadulas 'Wag na 'wag mong ililipat susunod na sa the buzz 1 2 3 teka lang, nauna me Makakakita ka nang mga natapakan sa tv Habang kinakain mo yung kanin, chiken adobo Ayoko na ng ganito nakaka-bobo
Chorus
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit'sa guro mo na masungit Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Kaya pala, takot ka magsagot sa pagsusulit Kala mo alam mo to, kala alam mo yan Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam
Kasi lahat ng nakita mo kala mo tama Maghapon ka sa tv mo na nakatunganga Nakapangalumbaba, simula pa nung bata 'Di naman importanteng magpakadalubhasa Ang sa akin lang naman ikaw ay maliwanagan 'Wag na wag mong gagawing dahilan ang kahirapan Maniwala, pero wag umasa sa himala Wala pang nananalo sa lotto na di tumataya Kaya palayain mo ang utak mo nakakulong Mas masahol pa sa bobo ang bobong nagmarunong Kung ang pag-iisip, para sayo'y nakakangawit Ibenta mo ang utak mo, kung hindi mo ginagamit Wag kang magalit kung ang laman ng bao ay ampao Pilipino lang ako pag nanalo si Pacquiao Pag naririnig ko yung kanin, chicken adobo Nakakaindak kahit nakaka-bobo
Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Takot ka ring lumapit'sa guro mo na masungit Takot kang magtanong, takot kang magpaulit Kaya pala, takot ka magsagot sa pagsusulit Kala mo alam mo to, kala alam mo yan Kala mo porket tagalog, puro lang kabaduyan Kala mo porket mahirap ka hanggang dyan ka na lang Kala mo alam mo na lahat, wala ka pang alam
Bobo! |